KABILANG ANG MGA MATATAAS NA OPISYAL NG AFP, PNP, SIMBAHAN AT PILING LOKAL AT NASYONAL NA PAMAHALAAN AY SUMAKAY SA PAGODA SI PABUSTAN KUNGSAAN IPINOROSESYON SA NAGA RIVER ANG IMAHEN NG MAHAL NA BIRHEN PABALIK SA KANYANG OPISYAL NA TAHANAN SA BASILICA MINORE MULA SA METROPOLITAN NAGA CATHEDRAL.
ANG IMAHEN NG INANG PENAFRANCIA AY NAGTAGAL NANG ISANG LINGGO SA CATHEDRAL KASABAY NG ISANG LINGGONG NOVENA MATAPOS GANAPIN ANG TRASLACION PROCESSION NOONG SABADO.
TATLONG DAANG SUNDALO ANG IPINADALA NI PABUSTAN UPANG MAGBIGAY NG SIGURIDAD AT MAGSILBING VOYADORES SA NASABING FLUVIAL PROCESSION.
MATATANDAAN, TAON 1972 NANG MAGANAP ANG ISANG TRAHEDYA KUNGSAAN MAHIGIT KUMULANG ISANG DAAN KATAO ANG NAMATAY AT MARAMING SUGATAN NANG MAGIBA ANG COLGANTE BRIDGE NANG NASA KASAGSAGAN ANG NATURANG OKASYON.
ITO NA ANG PANG ANIM NA TAON NA PAGLAHOK NG 9TH INFANTRY DIVISION SA PENAFRANCIA FESTIVAL MULA NANG MA-ACTIVATE ITO NOONG TAON 2003 BILANG 9TH ORGULLO BRIGADE SEPARATE HANGGANG SA MAGING FULL BLOWN INFANTRY DIVISION.
ANG 9TH INFANTRY DIVISION AY PATULOY NA MAKIKIISA SA MALAKING SELEBRASYONG ITO NG BIKOLANO TAON-TAON NA DINADAYO HINDI LANG NG MGA LOKAL KUNDI NG MGA DAYUHANG TURISTA BILANG PAGPAPAKITA NG SUPORTA SA MGA DEBOTO NI INANG PENAFRANCIA.
No comments:
Post a Comment