DUMAGSA ANG TATLONG DAANG KAWAL NG 9TH INFANTRY DIVISION SA NAGA CITY KAHAPON, ARAW NG LUNES (SETYEMBRE 20) UPANG LINISIN ANG KAPALIGIRAN PAGKATAPOS NG PAGDIRIWANG NG IKA-300 NA TAONG DEBOSYON SA LADY OF PENAFRANCIA SA NATURANG LUGAR.
KASAMA SA MGA PINADALA NI MAJOR GENERAL RUPERTO PABUSTAN, PINUNO NG 9TH INFANTRY DIVISION, AY ANG MGA CAFGU NG 22ND INFANTRY BATTALION NG PHILIPPINE ARMY. AYON KAY COL LEONCIO CIRUNAY, PINUNO NG 22ND INFANTRY BATTALION, NAIS NIYANG MAIPAKITA SA MGA BICOLANO NA ANG MGA SUNDALO AT CAFGU AY MGA KATUWANG SA MGA PROGRAMANG PANGKAUNLARAN AT PANGKATAHIMIKAN.
MATATANDAANG HUMIGIT KUMULANG SA TATLONG MILYONG MGA DEBOTO ANG DUMAGSA SA NAGA CITY UPANG MAKILAHOK SA TRASLACION AT NG PINAKAAANTAY NA FLUVIAL PROCESSION NA KUNG SAAN ANG IMAHE NG NUESTRA SENORA DE PENAFRANCIA AY ISINAKAY SA ISANG MALAKING BANGKA GALING SA BARANGAY TABUCO HANGGANG BARANGAY BALATAS.
DAHIL NA RIN SA DAMI NG TAONG DUMAGSA SA BAYAN NG NAGA, NAGKALAT NAMAN ANG NAPAKARAMING BASURA SA LAHAT NG LUGAR. GAMIT ANG WALIS AT IBA PANG KAGAMITANG PANGLINIS, TULONG-TULONG ANG MGA SUNDALO SA PAG-IKOT SA BICOL RIVER, SA BASILICA AT SA CATHEDRAL AT SA PENAFRANCIA SHRINE UPANG MAIBALIK ANG DATI NITONG KALINISAN AT KAAYA-AYANG KAPALIGIRAN.
KASAMA SA MGA NAKILAHOK SA CLEAN UP DRIVE AY ANG MGA SCOUT RANGERS, CAFGU AT MGA BAGONG RECRUITS NG PHILIPPINE ARMY NA NAGSASANAY SA 9TH INFANTRY DIVISION.
No comments:
Post a Comment