MATAGUMPAY NA NAIPANALO NG DRAGONBOAT TEAM NG PHILIPPINE ARMY ANG DALAWANG EVENTS SA GINANAP NA INTERNATIONAL DRAGON BOAT COMPETITION KAHAPON SA CAMSUR WAKEBOARD COMPLEX CAMARINES SUR.
AYON KAY MAJOR HAROLD CABUNOC, TAGAPAGSALITA NG 9TH INFANTRY DIVISION NG PHILIPPINE ARMY NA SINAKSIHAN ANG NATURANG PATIMPALAK, TINALO NG ARMY TEAM ANG 62 NA MGA MAGAGALING NA KATUNGGALING MGA ROWING TEAMS NA KALAHOK SA NATURANG SPORTING EVENTS.
SA UMAGA PA LANG AY NAIPANALO NA NG ARMY TEAM ANG 400-METER EVENT NA KUNG SAAN AY NABULSA NILA ANG CASH PRIZE NA $2,000 AT CHAMPIONSHIP TROPHY.
KINAHAPUNAN, NAIPANALO NAMAN NG ARMY TEAM ANG 250-METER EVENT AT NAIDAGDAG ANG CASH PRIZE NA $1,500 AT CHAMPIONSHIP TROPHY.
NAGING MA-KONTROBERSIYA ANG LARO SA 250-METERS PAGKATAPOS NA BANGGAIN NG RCP ROWING TEAM ANG CROWD-FAVORITE NA ARMY TEAM SA FINALS DAKONG ALAS-SINGKO.
KAHIT NAPALIKO AT HUMINA NA ANG TAKBO NG ARMY TEAM AY NAGAWA NILANG IBUHOS ANG LAHAT NG LAKAS UPANG TALUNIN ANG UMUUSAD NANG MARINE-FLEET TEAM NA GUSTO RING MAKAMIT ANG CHAMPIONSHIP TROPHY.
AYON KAY SGT USMAN ANTEROLA, ANG TEAM CAPTAIN NG ARMY DRAGON BOAT TEAM, SILA AY NANAGUMPAY DAHIL SA KANILANG DISIPLINA AT SA DEDIKASYON NG LAHAT NG KANILANG MIYEMBRO.
INIAALAY DIUMANO NILA ANG KANILANG KARANGALAN KAY LIEUTENANT GENERAL ARTURO ORTIZ ANG COMMANDING GENERAL PHILIPPINE ARMY AT SA BUONG PHILIPPINE ARMY NA KANILANG KINABIBILANGAN.
IPINAABOT DIN NI MAJOR GENERAL RUPERTO PABUSTAN, PINUNO NG 9TH INFANTRY DIVISION ANG KANYANG LUBOS NA KASIYAHAN SA KARANGALANG IBINIGAY SA PHILIPPINE ARMY.
LALONG NIRERESPETO AT KINILALA ANG KAKAIBANG KAKAYAHAN NG MGA SUNDALO DITO SA BIKOL REGION DAHIL SA IPINAKITANG KAGALINGAN NG ARMY DRAGON BOAT TEAM AYON KAY PABUSTAN.
No comments:
Post a Comment