Thursday, December 23, 2010

Stop Child Exploitation!

Mga kababayan, ngayon pong kapaskuhan ay ating pagmuni-munihan ang landas na tinatahak ng ating buhay at ng ating pamayanan. Atin pong iwasto ang mali at lalo pa nating pag-ibayuhin ang gawaing mabuti para sa kapwa at sa ating mga pamilya. Importante sa lahat ay atin pong gabayan ang ating mga anak at kabataan tungo sa makabuluhan at produktibong pamumuhay. Lagi po nating tandaan na ang mga kabataan ang pag-asa ng ating bayan at ang sarili nating mga anak ang magiging sandigan natin sa ating pagtanda.


No comments:

Post a Comment